Conservative fans ni Sharon Cuneta, "naeskandalo" sa still photos ng Revirginized


Naeskandalo ang conservative fans ni Sharon Cuneta dahil sa still photos mula sa Revirginized na inilabas ng direktor na si Darryl Yap sa Facebook ngayong Linggo ng hapon, June 13.

Ang Revirginized ang upcoming movie ni Sharon.

Ikinataranta ng fans nito ang litrato ng beach party scene na nagpapakita sa cleavage ng Megastar at ng kanyang pagdila sa asin sa dibdib ni Marco Gumabao bago siya uminom ng tequila.

May dahilan para magulat ang supporters ni Sharon dahil sa dami ng mga pelikulang ginawa ng kanilang iniidolo na aktres, ngayon lamang ito napapayag gawin ang mapangahas na eksena.

Ikinuwento ni Darryl sa Cabinet Files na hindi pa nakakatikim si Sharon ng tequila sa buong buhay nito, at hindi niya sinabi sa aktres na totoong tequila ang nakalagay sa shot glass na ginamit sa eksena.

“Never pa nakatikim ng tequila si Sharon. Hindi ko sinabi na totoong tequila.

"Pulang-pula siya after, nahihilo, pero nakatatlong sequence pa siya," sabi ni Darryl.

Kinumpirma rin ng direktor na pumayag si Sharon na gawin ang tequila body shot.

Hindi rin itinanggi ni Darryl na may “nabuhay” sa pagkatao ni Marco nang kunan ang tequila drinking scene nila ni Sharon.

Mapapansin ito sa revealing photos na inilabas ni Darryl sa kanyang Facebook page na may caption na "Marco Gumabao is Mega Tested. Mega Approved" at "PinaINIT, PinaKIPOT. PinaSIKIP. Sharon Cuneta is Revirginized this August."


MORE BLOGS



Conservative fans ni Sharon Cuneta, "naeskandalo" sa still photos ng Revirginized Conservative fans ni Sharon Cuneta, "naeskandalo" sa still photos ng Revirginized Reviewed by DealsPH on June 16, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.